Wednesday, February 23, 2011

Talambuhay ni Giselle A. Pasco

Giselle Aquino Pasco

nung ako ay bininyagan
nung ako ay 3 taon




nung ako ay naka smiling face
Noong ako ay bata pa ang tawag sa akin ng aking pamilya at kamag-anak ay hapon, intsik at puno kasi singkit daw ako at matapang. Nag-aral ako ng kinder sa San Francisco Calihan, Terrace Subdivision Day Care Center. Pagkatapos ng pasok ko ay sinasama ako ng aking lola sa kanyang paaralang pinagtuturuan sa Stmo. Rosario Elementary School at doon ay inaalagaan naman ako ng mga estudyante kapag wala silang klase. Simula pagkabata ko ay nasanay ako na pinupuring maganda. Nagelementarya ako sa Don Enrique Bautista Elementary School, masaya naman dahil ang alam ko lang gawin ay maglaro, kumain at kung anu-ano pa. Nang nasa ika-apat na baitang na ako sinali ako ng teacher ko sa United Nations at naging Miss Korea ako at ang talent ko ay ang pagsayaw, naging back up dancer ko pa si ate at ang mga kaklase nya ay nagkaroon din ng trophy. At nang nasa ika-limang baitang na ako ay unti-unti ko ng nararamdaman at nararanasan na ang buhay ay hindi pala madali, nararamdaman ko na rin ang mga problema, dahil dun, nung nasa ika-anim na baitang na ako lumipat ako ng paaralan dahil sa nagkaroon kami ng family problem, humiwalay muna ako sa aking mga magulang, tumira ako sa aking lola, ina ng aking mama sa San Marcos. Hindi naging madali sa akin ang paglipat ng paaralan dahil kailangan kong makakilala ng mga bagong kaibigan o kakilala, naging kaklase ko naman ang aking pinsan at nakatulong naman ito sa akin. Inaasar ako ng aking kaklase na tilapia pero hindi naman ako mukhang tilapia. Sa pagdaan ng araw unti-unti kong nararamdaman na hindi ako masaya kapag hindi ko kasama ang aking mama, kada gabi ako ay naiyak dahil namimiss ko na ang aking mga magulang at mga kapatid hanggang sa nakakatulog na ako sa kaiiyak. Pag minsan, ay pinupuntahan ako ni mama at binibigyan ng pera. Sa paglipas ng panahon ay naka graduate din ako ng elementarya, kasama ko si mama noon. Pagkatapos ng bakasyon ay umuwi na ako sa aking mga magulang sa Calihan. 

Nagfirst year ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at naging maayos naman ito, nagkaroon ako ng barkada at kung saan-saan na ako nakarating. Nang ako ay nag second year ay lumipat ulit ako ng paaralan dahil isinaman ako ng aking lola attiyahin sa Quezon City, Manila. Tinanong ko noon ang aking mama kung payag siya at pumayag naman. Pumayag na din ako dahil pabor ito para sa kanila at mababawasan ang kanilang papaaralin at aalagaan. Sumama ako ng malungkot  para makatulong din sa ganitong paraan, ang hirap nito kaysa noong nasa ika-anim akong baitang dahil yon ay malapit lang ang distansya sa aking magulang. Nang malapit na ang pasukan, pinamili nila ako ng school supplies sa Trinoma. Nag enrol ako at sinamahan naman ako ng aking lola, bumili kami ng uniform. Unang araw ng pasukan, nahirapan ako dahil hindi na ako sinamahan ng aking lola at nalimutan ko pang humingi ng pera, mag-isa kong hinanap ang silid aralan ko, nahihiya ako pero nahanap ko din may mga nakilala naman ako. Nagdaan ang mga araw, nagkaroon ako ng mga kaibigan madalas ko na silang nakakasama lagi akong nanlilibre pag oras ng recess, madalas din silang matulog sa amin at minsan ay tinutulungan nila akong maglaba. Nagkaroon ako ng boyfriend pero secret lang, at nabunyag din ito nalaman kasi ng tiyahin ko, nagalit siya sinabi niya iyon sa aking mga magulang. pero galit din sila kaya nag break na kami. Nagdaan ang mga araw, nalulungkot ako dahil namimiss ko si mama. Nang minsang umuwi si lola sa Laguna at naiwan kami ni tita, lagi ng gabi umuwi si tita gabi na rin naman ang awas ko 6:00pm. May nakaaway ako dahil sa subject namin sa pagiging sumbungera at sipsip niya sa guro. Nang umaga ng sabado ay wala na ang tita at bigla akong sinugod sa bahay ng kaaway ko at doon rin mismo sa bahay namin kami nagsabunutan. Nang paguwi ni tita sa bahay ay nalaman din niya ang nangyari at nagpunta agad kami sa Brgy.Hall upang maipaalam ito, nang gabi ring iyon ay nilagnat ako at lumuwas naman ang aking ate upang ako ay alagaan at asikasuhin. dahil sa tagal ng aking pagkakasakit ay nagpasya ang aking tiyahin na iuwi muna ako sa Laguna upang magpagaling. Nang nalaman ng aking magulang ay galit na galit sila. Pagkagaling ko ay bumalik na ulit ako kasama ang aking lola sa Quezon City, simula noon ay ang bestfriend ko na lang ang lagi kong kasama, lumipas ang araw at natapos rin ang school year. Nagpasya ang aking lola at tiyahin na bumalik na ulit ako sa Laguna dahil sa pagiging pasaway ko, pumayag naman ako dahil miss ko na ang aking mga magulang at mga kapatid. 

Sa aking pagpapatuloy ng pagaaral ng third year high school ay nagbalik ako sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at naging madali naman ito para sa akin dahil may mga kakilala at kaibigan na ako doon, naging madalas ang aming pag kacutting classes, gala doon, gala dito, fiestahan doon, fiestahan dito pero kahit ganito ang nangyari ay naging masaya naman ako sa taon ng third year ko lagi kaming nag oovernight swimming kung saan-saan at pinapayagan naman ako. Minsang nag away ang barkada lagi akong nag iiyak dahil wala akong makasama o makausap pero di rin nagtagal ay nagkaayos din kami. Minsang nag birthday ang aming kabarkada at nagpunta kami sa kanila, nagkainuman at nakasali din ako, di ko namalayan na nalalasing na pala ako hanggang sa matapos ang inuman at asikasuhin nila ako dahil di na ako makalakad sa sobrang kalasingan hanggang sa inabot na kami ng gabi at tumawag na nga ang aking magulang at nalaman nilang lasing ako, 'di nila masabi kung nasaan ako, dahil sa takot kahit na lasing pa rin ako ay napilitan akong umuwi at hinatid naman ako ng isa kong barkada pero di na siya bumaba ng tricycle. Umiyak ako ng umiyak pagkarating sa bahay, pinagalitan ako at sinabing patitigilin na ako sa pag aaral at kinuha nila ang aking cellphone hanggang sa tatlong araw na akong hindi pumapasok, nagpunta sa bahay namin ang aking mga kaibigan at kinausap nila ang aking magulang na papasukin na ako at pumayag naman si mama. 

js ko nung 3rd year


Dumating ang araw ng J.S na magkakagalit ulit kami malungkot ito para sa akin pero pinilit kong maging masaya dahil first time kong dumalo ng J.S Prom, di rin nagtagal nagkaayos din kami. Nagatapos ang school year ng malungkot pa rin dahil nagkahiwa hiwalay kaming mag babarkada,yung iba tumigil na ng pag aaral, nagtrabaho at yung iba naman ay nasa ibang section.

Ang lungkot ng first day ko sa fourth year dahil sa wala na akong barkada, dalawa lang kaming nagkasama sa isang section naging mahirap ito dahil nakasanayan naming marami kaming magkakasama, nais kong lumipat ng section pero hindi rin ako nakalipat dahil maiiwan ko ang isa kong kaibigan, dumaan ang araw kami lang lagi ang magkasama hanggang sa nagkaroon kami ng iba pang kaibigan lagi kaming magkakasama  sa lahat ng oras sa school. Di nag tagal nagkahiwahiwalay din kami dahil nag away kami ang kaibigan ko nung third year pa ay nawala din sa akin. Nawalan ako ng kaibigan, naging malungkot ako sa lahat ng oras hanggang sa nagkaroon ulit ako ng barkada, naging masaya ako kahit na minsan nagkakatampuhan kami pero nag kakaayos din. Sumali ako sa Science Camp at ito naman ay masaya dahil nakasama ko ang aking mga kaibigan noong third year ako magkakasama lang ang aming section sa isang silid aralan. 

Dumating na ang araw ng pagpaparehistro para sa botohan ng Sangguniang Kabataan, kinuha akong kandidato bilang sk konsehal sa aming baranggay at pumayag naman ako at ang aking magulang. Sinuportahan ako ng aking mama, kuya at ng aking pamilya sa kampanyahan. Ang lagi kong kasama ay ang aking kuyang todo suporta sa akin at sa bawat pa meeting namin ay nakanta doon ang aking ate at nasayaw naman ang aking nakababatang kapatid, habang ang aking mama naman ay natulong sa pag aayos ng pagkain at tinawag ako sa aming grupo na pinakabata at mahiyain. Tinulungan ako ng aking kuya sa pamimigay ng tarheta at paglalagay ng mga tarpaulin, dahil sa araw araw ng pangangampanya ay napabayaan ko ang aking  pagpasok sa school nagexcuse naman ako sa klase pero nakaapekto pa rin ito sa aking marka, dahil sa pangangampanya ko ay natanggal ang aking pagigng mahiyain at natuwa naman ang aking mama. Laging gabi na kami ni kuya nauwi sa bahay ng araw ng kampanyahan, ako'y napupuyat at namayat dahil sa hindi na aklo nakain ng hapunan. Nang araw ng botohan, nagswimming kami pagkaboto namin at masaya naman ito. Nang hapon na, kami ay nag uwian na upang magpahinga. Nang bandang gabi na, ako ay kinabahan dahil sa resulta ng botohan naghintay ako ng text ng mga ka SK ko upang malaman ang resulta at nagtext nga sa akin, wala daw akong boto kahit isa, nanlambot ako nais ko na sanang matulog ngunit niyaya ako ng aking mama sa school ng Calihan na pinagbotohan, habang nakasakay kami sa tricycle ay kinausap ako ni mama at sabi sa akin na "matalo man o manalo ay ayos lang!" nang dumating kami sa school ay binati ako ng bawat kabataang nakakakilala sa akin, hindi ko alam kung bakit, hanggang sa nakita ko ang resulta at pang numero uno(1) ako sa SK konsehal. Kinonggrats ako ng aking mgakagrupo at lahat naman kami ay pinagkatiwalaan ng mga kabataan sa aming baranggay. Nang gabi ring iyon ay nagkainan kami at nagpaputok ng kwitis at nagpaalam na sa isa't  isa upang magpahinga, nang ako ay umuwi ay masaya ako dahil baka dito ay maipagmamalaki ako ng aking mga magulang at masaya naman sila para sa akin. Lumipas ang araw ay nagpasalamat kami sa mga kabataan ng aming baranggay sa kanilang pagtitiwalang ibinigay. Nagsimba kami sa Dolores upang magpasalamat at humingi ng pag gabay sa Diyos at umakyat din kami sa kamay ni Hesus.

Dumating ang araw na pumasok na ulit ako sa school at marami naman ang nakamiss sa akin at bumati, inasikaso ko naman ang aking mga kailangan gawin sa school, nahirapan ako dahil napagiwanan na ako sa klase. Naipasa ko naman lahat ng subjects kahit mababa ang mga marka. Lumipas ang araw at dumating ang christmas party, nag swimming kami sa boying kahit kami lang magbabarkada, nilagnat lang ako ng pagkakalublob ko sa tubig pero masaya pa rin, naguwian na kami ng bandang hapon, napagalitan ako sa amin dahil hindi ako nagpaalam na magsiswimming kami. Dumating ang araw ng pasko na masaya naman dahil kumpleto ang pamilya ko at nag uwian dito sa Pilipinas ang mga lola't lolo ko. Lumipas ang araw at nagkaroon kami ng problema dagok sa pamilya namin lahat ng miyembro ng aming pamilya ay naging malungkot hanggang sa dumating ang new year's eve na ganun pa rin ang aming pamilya, nag new year kami sa ospital dahil nagkasakit ang aking tiyahin, first time ng aming pamilya na mag new year na hindi magkakasama. Dumating ang araw na gumaling din siya at malaking pasasalamat namin iyon.

Dumating ang taong 2011 sa buhay ng aming pamilya na malungkot pero sisikapin namin sa buong taong ito na maging masaya. Dumating ang first day ng school sa taong 2011 at masaya naman dahil nakita ko ang aking barkada, kaibigan, kaklase at mga crush pati na rin ang mga subject's teacher ko. Ngayong taong ito ay natuto akong maging palakaibigan dahil sa mga karanasan ko sa aking pangangampanya. Nagkaroon ng swimming ang aking pamilya sa brgy. sa Pansol at naging masaya naman ito kahit nagkatampuhan kami ng aking ka SK, at nagkaayos din naman kami, kada Sabado't Linggo ay naduty kami sa brgy.hall at minsan ay doon na rin kami natutulog. Nang minsang magyaya ako sa aking mga ka Sk na kumain kami sa Mang Inasal at ako ang taya kasama ang aking mama at kuya. Naging masaya ako sa aking barkada ngayon, lagi akong inihit ng tawa pag sila ang aking kasama, sila ang aking buhay sa school pag wala sila wala rin ako, pati na rin ang aking mga kaibigan noon third year pa ako na pinapangarap ko na magkasama sama ulit. 

my barkada
me and rhodney
           


Dumating ang araw ng J.S prom at lahat naman kami ay masaya sa hanggang sa ito ay matapos. Ngayon ako ay nagsisikap na maipasa ang lahat ng subjects upang ako ay makagraduate ng high school para sa akin at sa aking pamilya lalo na sa aking inang pinakamamahal.

pizap ko

No comments:

Post a Comment