Tuesday, March 22, 2011

Talambuhay ni Emmanuel A. Marasigan


me and my friend going to swimming

me and king
                             Noong kabataan ko marami akong magagandang alaala.Mga alaalang nagpapatunay na kay ganda ng buhay.Ang aking kabataan ay hindi mawala sa aking isip,punong-puno ng saya at magagandang karanasan.Marami akong mga naging kaibigan,mga kaibigang nagkumpleto sa buhay ko.         


                              Naalala ko noong elementarya ko palagi akong masaya,nagtapos ako ng maraming natutunan sa aking buhay.Natutunan kong lumaban sa anumang pagsubok na dumating sa buhay ko.Pero naranasan ko ring masaktan dahil sa aking kasarian pero nalampasan ko yun sa tulong at suporta ng aking pamilya,pinakita nilang kahit ano at sino pa ako mahal nila ako.At nagpapasalamat ako dahil sa kanila naging matatag ako sa pagharap sa buhay.




princess Ema
Emannuel Marasigan
                                Hanggang sa nakarating ako ng high school,mas lalong masaya mas lalong naging marami ang magagandang karanasan.Mas lalo akong naging masipag sa aking pag-aaral,marami akong napatunayan sa aking sarili kahit minsan nasasaktan,pero ok lang kasi sa sakit tayo tumapang.Pag-nasasaktan mas lalo akong nag-pupursige na makatapos at alam ko magtatagumpay ako.Ito ang talambuhay ko.Talambuhay ng isang matapang at masipag na ako.Natuto akong magpahalaga sa buhay,na dapat pahalagahan din natin ang taong nag-mamahal at nag-bibigay sa atin ng saya.Dapat kahit anong pasubok ay labanan natin,dapat may sipag at tiyaga para maabot natin ang ating pangarap.
noong ako ay 3rd yr. ay palagi akong nasali sa mga contest masaya ako dahil maraming pumupuri sa aking nakamit na talento at pwede ko tong ipagmalaki.dahil din sa talentong ito ay marami akong naging kaibigan.gaya ng pagsali ko sa tiklad at kung saan saang patimpalak ng pagsayaw.                                          
                                                                      
At nung nakatungtong na ako ng 4th year ay tuloy tuloy pa rin ang aking pagsasayaw.Nung js ay masaya ako dahil marami akong nakasayaw na boys.At nung shindig ay doon ko muling ipinamalas ang aking talento sa pagsasayaw.

At ngayong gragraduate na ko ay ipapagpatuloy ko pa rin ang aking pagsasayaw.Hanggang sa may nadiskubre akong talento ay ito naman ang nais kong ipamalas sa marami at dahil don ay sumali ako sa choir sa simbahan at dahil don ay naging big star ako sa simbahan at walang makakatalo sa akin.

Thursday, March 10, 2011

Ang aking Talambuhay (Jerald R. Espiritu)

Ito ako nung bata pa ako 
         Noong ako ay nasa sinapupunan ng aking nanay madalas niyang sinasabi anak kailan ka kaya lalabas at nung sinilang na ako ang sabi  ng aking ina at ama ang cute ko daw at sila'y tuwang-tuwa sa akin at nung ako ay kinder ay malapit lang ang school sa aming bahay at lagi akong sinusundo ng aking nanay sa school at minsan ang aking kaklase ko ay sinaksak ako ng lapis sa braso at kami ay nagaway at kami ay nagsaksakan ng lapis at nung ako ay grade one ang section ko ay 3 at ang teacher ko ay si Mam Albaran at ang taray ng aking teacher at nung ako ay grade two ay pumunta kami  sa kinabuhayan at muntik na akong mawala  napabitaw ako sa aking nanay mabuti na lang nakita nila ako sa tabi at ako ay naiyak at hindi ko talaga yon malilimutan.

      At nung ako ay grade three ang section ko ay 14 bumaba pero masaya parin ako at ang aking teacher ko ay si Mam Wong at nung kami ay pumunta sa mindoro ang ganda ng tanawin doon at maraming halaman at marami ang bunga ng rambutan at sobrang sarap at nung kami ay umuwi guto na gutom ang aking mgaalaganghayop at nung grade four ako ang teacher ko ay si Mam Prissila at mabait si mam at hindi panga ako  sa kanya nakapagsoli ng libro pero okey lang yon kasi limot niya naman at libre din kami sa kanya nung christ-mas party at ang handa pa ay pancitat juice;cake.

Ito ako nung ako ay gagarduate ng kinder
     At nung ako ay grade five ang section ko ay 13 ang  teacher ko ay si Mam Ilagan at nung christ-mas party ay ang saya dahil ang dami  ng palaro at nung bithday ng aking kaklase ay dun naghanda  sa room ang handa ay jollibee at nung valinetines pinag suot kami ng aming teacher ng pangbabaeng damit at kami ay minekapan at pagkatapos titingnan kung sino ang pinaka maganda at siya ang mananalo at nung bakasyon ay nagpatule ako nung sabado de gloria at ang mga kasabayan ko sa pagpapatule ay  maraming ang natatakot dahil yung iba nasigaw at yung isa ng kasabayan ko ang sabi hindi na po ako uulit ang sabi ng nagtutule talagang hindi na dahil tule kana at nung pagkatapos kung matulian binigya ako nung babae ng tinapay at nung naka rating na kami sa bayan sa ka kulang naramdaman ang sakin.

     At nung ako ay grade six ay ang teacher ko ay si Mam Luna mabait si mam at nung magpapalit kami ng bagong teacher lahat ay ginawa ni mam para hindi kami bitawan pero wala siyang nagawa ang pumalit na teacher ay mabaity din at gusto niya kaming lahat ay maka graduate at nung malapit at nung gradution na halos lahat ng aking kalase ay umiiyak dahil magkakahiwalat-hiwalay na kaming lahat at yung iba ay kaklase ko ngayo pero malungkot ako ako nung napahiwalay ang  girlfriend ko sa akin hindi ko alam kung saan siya napasok.

Ito kaming lahat noong kami ay nag family Reunion
     At nung ako ay pumasok sa dizon dun ko nakilala ang aking mga bagong kaibigan at nung ako ay firstyear ang section ko ay 1-L ang teacher ko ay si Mam Bautista mabait si mam dahil siya ang sumagot sa lahat ng pagkain nung christ-mas party ang handa at palabok;juiceat cake pinagdala panga  ako ni mam sa amin at ang sabi ni mama sabihin mo sa teacher mo salamat at nung valinetines ay pumunta kami sa 7-eleven at kami ay bumili ng coke at tinapay at nung magtatapos na ang taon ako ay masaya dahil ako ay nakapasa ng firstyear kaso may bagsak akung isang subject english.

     At nung ako secondyear ang mga teacher ko ay si Mam Pirante mabait siya ang tinuturo niya ay Mapeh at ang filipino ay si Mam Bidula mabait siya pero minsan mapanglait pero okey lang yon ang aking teacher naman sa Math ay si Mam Perez mabait si mam at mahilig makipag biruan at laging masayahin at ang teacher ko sa Values ay si Mam Decastro mabait siya at masayahin ang teacher ko sa Science ay si Mm Baylon mabait siya pero minsan mataray at ang T.l.e ko naman ay si Mam Sotalbo mabait siya paghindi kami maingay at pagkami maingay maingay siya at nagiging mataray at ang teacher ko sa English ay si Mam Evangelista mabait siya at magaling siyang magturo ng english at lahat ngnaging teacher ko ng secondyear lahat magagaling magturo.

Ito ang aking familya yung naka blue si daddy at yung naka pula ay ako at yung naka violet ay si mama at yung naka pute ay si kuya
      At nung ako ay thirdyear ako maraming masasayang ng yari ng tulad nung nag fieldtrip kami ang saya dahil ang dami naming pinuntahan tulad ng ocean park pero mas maganda sa Mall of Asia at sa pahuli ang pinuntahan namin ay sa Star City masaya dahil ang daming  rides sumakay kami sa dance surfing at sa horror train at iba pa at nung july 24,2010 pumuta kami sa mindorokasi may family reunion ang aming familya doon kaming  lahat magsama-sama ng aking  mga pinsan at mga tito ko at tita ko ang saya dahil nakilalako ang aking mga pinsan at masaya ako dahil nagsama-sama kaming nagdadasal sa puntod ni Papa Mario at pag balik namin nina tito kina inay yung isa ko pang tito ay ang daming niluluto at sabay-sabay kaming nagdasal bago kumain at si toto victor kahit ako ay Busog na bosog na pinapakain parin ako ng marami sabi baka daw ako mamayat at si tito ay may dalang durian ang baho pero pagnatik man mo ang sarap ng lasa at bago kami umuwi sa amin naligo muna kami sa ilog at ang ganda sobra ng ilog doon para bagang may nakatirang diwata dahil ang linis ng tubig kulay blue at puro batuhan ang ilog sayang  nga wala kaming dalang camera sayang pipicturan namin sana ang ilog at nung kami ay uuwi na sa San Pablo City pinadalhan kami ni tito ng duryan at rambutan at lansones at paguwi namin nina daddy ang saya dahil hindi ko malilimutan ang family reunion namin at ang sabi ni tito ang susunod na family reunion namin ay after fiveyears hindi ko na maantay ang susunod na family reunion namin siguro mas masaya ang susunod dahil malalaki na ang iba ko pang pinsan at magkikita-kita ulit kaming lahat.

      At nung ako ay fourthyear na masaya dahil ang dami ko ulit bagong kaklase at ang dami ko bagong barkada at nung kami'y nag feildtrip sobrang saya dahil ang dami naming pinuntahan tulad ng light ang sound museum masaya dahil an tapik doon ay si Basilio at si Crispin at  si Sisa at ibapang tauhan sa EL Filibustirismo at sa Mall of Asia doon ko first time natik man ang takoyaki ang sarap at may masarap na sauce pa at nung christ-mass party malungkot dahil wala kaming christ-mass party wala kahit man lang consert ng gabi at kami ay ng Js ang saya dahil ang dami kong naisayaw at lahat ng naisayaw ko ay friend ko na ngayon at hindi ko rin yon makakalimutan lalo na yung last dance ko  sobrang gandang babae at nung pasukan na ng lunes lahat ng naisayaw ko lahat ay na bati sa akin at ako ay na bati din sa kanila kaso yung last dance ko hanggang tininan na lang kami sayang iyon isa ko pang crush sa dizon pero hindi ko rin malilimutan na naisayaw ko siya at ngayong graduation hindi ko malilimutan ang mga nga naging teacher ko sa dizon lalo si sir Lacsam dahil siya ay pala biro at si na Mam Capina at si Mam Tulipan at iba ko pang teacher na hindi na banggit lahat sila ay hindi ko malilimutan.
Ito ang aking mga pinsan at ang aking tito at tita

      Oteka-teka hindi ko pa pala napapakilala ang aking mga magulang ang king mama nga pala ay si Josie R. Espiritu at ang aking daddy ay si Rogelio V. Espiritu at aking birthday nga pala ay April 9,1995 at ang aking nakakatandang kapatid  ay si Jerome R. Espiritu at lahat sila ay love ko kasi silng lahat ay mababait lalo na nung nagdaang bagon taon lahat kami ay magkakasa mang nagdadasal bago kumain at mas masaga na ang handa namin kasi marami kaming handa noon at masaya naming pinagdiwang ang pasko at bagongtaon.

Wednesday, February 23, 2011

Talambuhay ni Giselle A. Pasco

Giselle Aquino Pasco

nung ako ay bininyagan
nung ako ay 3 taon




nung ako ay naka smiling face
Noong ako ay bata pa ang tawag sa akin ng aking pamilya at kamag-anak ay hapon, intsik at puno kasi singkit daw ako at matapang. Nag-aral ako ng kinder sa San Francisco Calihan, Terrace Subdivision Day Care Center. Pagkatapos ng pasok ko ay sinasama ako ng aking lola sa kanyang paaralang pinagtuturuan sa Stmo. Rosario Elementary School at doon ay inaalagaan naman ako ng mga estudyante kapag wala silang klase. Simula pagkabata ko ay nasanay ako na pinupuring maganda. Nagelementarya ako sa Don Enrique Bautista Elementary School, masaya naman dahil ang alam ko lang gawin ay maglaro, kumain at kung anu-ano pa. Nang nasa ika-apat na baitang na ako sinali ako ng teacher ko sa United Nations at naging Miss Korea ako at ang talent ko ay ang pagsayaw, naging back up dancer ko pa si ate at ang mga kaklase nya ay nagkaroon din ng trophy. At nang nasa ika-limang baitang na ako ay unti-unti ko ng nararamdaman at nararanasan na ang buhay ay hindi pala madali, nararamdaman ko na rin ang mga problema, dahil dun, nung nasa ika-anim na baitang na ako lumipat ako ng paaralan dahil sa nagkaroon kami ng family problem, humiwalay muna ako sa aking mga magulang, tumira ako sa aking lola, ina ng aking mama sa San Marcos. Hindi naging madali sa akin ang paglipat ng paaralan dahil kailangan kong makakilala ng mga bagong kaibigan o kakilala, naging kaklase ko naman ang aking pinsan at nakatulong naman ito sa akin. Inaasar ako ng aking kaklase na tilapia pero hindi naman ako mukhang tilapia. Sa pagdaan ng araw unti-unti kong nararamdaman na hindi ako masaya kapag hindi ko kasama ang aking mama, kada gabi ako ay naiyak dahil namimiss ko na ang aking mga magulang at mga kapatid hanggang sa nakakatulog na ako sa kaiiyak. Pag minsan, ay pinupuntahan ako ni mama at binibigyan ng pera. Sa paglipas ng panahon ay naka graduate din ako ng elementarya, kasama ko si mama noon. Pagkatapos ng bakasyon ay umuwi na ako sa aking mga magulang sa Calihan. 

Nagfirst year ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at naging maayos naman ito, nagkaroon ako ng barkada at kung saan-saan na ako nakarating. Nang ako ay nag second year ay lumipat ulit ako ng paaralan dahil isinaman ako ng aking lola attiyahin sa Quezon City, Manila. Tinanong ko noon ang aking mama kung payag siya at pumayag naman. Pumayag na din ako dahil pabor ito para sa kanila at mababawasan ang kanilang papaaralin at aalagaan. Sumama ako ng malungkot  para makatulong din sa ganitong paraan, ang hirap nito kaysa noong nasa ika-anim akong baitang dahil yon ay malapit lang ang distansya sa aking magulang. Nang malapit na ang pasukan, pinamili nila ako ng school supplies sa Trinoma. Nag enrol ako at sinamahan naman ako ng aking lola, bumili kami ng uniform. Unang araw ng pasukan, nahirapan ako dahil hindi na ako sinamahan ng aking lola at nalimutan ko pang humingi ng pera, mag-isa kong hinanap ang silid aralan ko, nahihiya ako pero nahanap ko din may mga nakilala naman ako. Nagdaan ang mga araw, nagkaroon ako ng mga kaibigan madalas ko na silang nakakasama lagi akong nanlilibre pag oras ng recess, madalas din silang matulog sa amin at minsan ay tinutulungan nila akong maglaba. Nagkaroon ako ng boyfriend pero secret lang, at nabunyag din ito nalaman kasi ng tiyahin ko, nagalit siya sinabi niya iyon sa aking mga magulang. pero galit din sila kaya nag break na kami. Nagdaan ang mga araw, nalulungkot ako dahil namimiss ko si mama. Nang minsang umuwi si lola sa Laguna at naiwan kami ni tita, lagi ng gabi umuwi si tita gabi na rin naman ang awas ko 6:00pm. May nakaaway ako dahil sa subject namin sa pagiging sumbungera at sipsip niya sa guro. Nang umaga ng sabado ay wala na ang tita at bigla akong sinugod sa bahay ng kaaway ko at doon rin mismo sa bahay namin kami nagsabunutan. Nang paguwi ni tita sa bahay ay nalaman din niya ang nangyari at nagpunta agad kami sa Brgy.Hall upang maipaalam ito, nang gabi ring iyon ay nilagnat ako at lumuwas naman ang aking ate upang ako ay alagaan at asikasuhin. dahil sa tagal ng aking pagkakasakit ay nagpasya ang aking tiyahin na iuwi muna ako sa Laguna upang magpagaling. Nang nalaman ng aking magulang ay galit na galit sila. Pagkagaling ko ay bumalik na ulit ako kasama ang aking lola sa Quezon City, simula noon ay ang bestfriend ko na lang ang lagi kong kasama, lumipas ang araw at natapos rin ang school year. Nagpasya ang aking lola at tiyahin na bumalik na ulit ako sa Laguna dahil sa pagiging pasaway ko, pumayag naman ako dahil miss ko na ang aking mga magulang at mga kapatid. 

Sa aking pagpapatuloy ng pagaaral ng third year high school ay nagbalik ako sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at naging madali naman ito para sa akin dahil may mga kakilala at kaibigan na ako doon, naging madalas ang aming pag kacutting classes, gala doon, gala dito, fiestahan doon, fiestahan dito pero kahit ganito ang nangyari ay naging masaya naman ako sa taon ng third year ko lagi kaming nag oovernight swimming kung saan-saan at pinapayagan naman ako. Minsang nag away ang barkada lagi akong nag iiyak dahil wala akong makasama o makausap pero di rin nagtagal ay nagkaayos din kami. Minsang nag birthday ang aming kabarkada at nagpunta kami sa kanila, nagkainuman at nakasali din ako, di ko namalayan na nalalasing na pala ako hanggang sa matapos ang inuman at asikasuhin nila ako dahil di na ako makalakad sa sobrang kalasingan hanggang sa inabot na kami ng gabi at tumawag na nga ang aking magulang at nalaman nilang lasing ako, 'di nila masabi kung nasaan ako, dahil sa takot kahit na lasing pa rin ako ay napilitan akong umuwi at hinatid naman ako ng isa kong barkada pero di na siya bumaba ng tricycle. Umiyak ako ng umiyak pagkarating sa bahay, pinagalitan ako at sinabing patitigilin na ako sa pag aaral at kinuha nila ang aking cellphone hanggang sa tatlong araw na akong hindi pumapasok, nagpunta sa bahay namin ang aking mga kaibigan at kinausap nila ang aking magulang na papasukin na ako at pumayag naman si mama. 

js ko nung 3rd year


Dumating ang araw ng J.S na magkakagalit ulit kami malungkot ito para sa akin pero pinilit kong maging masaya dahil first time kong dumalo ng J.S Prom, di rin nagtagal nagkaayos din kami. Nagatapos ang school year ng malungkot pa rin dahil nagkahiwa hiwalay kaming mag babarkada,yung iba tumigil na ng pag aaral, nagtrabaho at yung iba naman ay nasa ibang section.

Ang lungkot ng first day ko sa fourth year dahil sa wala na akong barkada, dalawa lang kaming nagkasama sa isang section naging mahirap ito dahil nakasanayan naming marami kaming magkakasama, nais kong lumipat ng section pero hindi rin ako nakalipat dahil maiiwan ko ang isa kong kaibigan, dumaan ang araw kami lang lagi ang magkasama hanggang sa nagkaroon kami ng iba pang kaibigan lagi kaming magkakasama  sa lahat ng oras sa school. Di nag tagal nagkahiwahiwalay din kami dahil nag away kami ang kaibigan ko nung third year pa ay nawala din sa akin. Nawalan ako ng kaibigan, naging malungkot ako sa lahat ng oras hanggang sa nagkaroon ulit ako ng barkada, naging masaya ako kahit na minsan nagkakatampuhan kami pero nag kakaayos din. Sumali ako sa Science Camp at ito naman ay masaya dahil nakasama ko ang aking mga kaibigan noong third year ako magkakasama lang ang aming section sa isang silid aralan. 

Dumating na ang araw ng pagpaparehistro para sa botohan ng Sangguniang Kabataan, kinuha akong kandidato bilang sk konsehal sa aming baranggay at pumayag naman ako at ang aking magulang. Sinuportahan ako ng aking mama, kuya at ng aking pamilya sa kampanyahan. Ang lagi kong kasama ay ang aking kuyang todo suporta sa akin at sa bawat pa meeting namin ay nakanta doon ang aking ate at nasayaw naman ang aking nakababatang kapatid, habang ang aking mama naman ay natulong sa pag aayos ng pagkain at tinawag ako sa aming grupo na pinakabata at mahiyain. Tinulungan ako ng aking kuya sa pamimigay ng tarheta at paglalagay ng mga tarpaulin, dahil sa araw araw ng pangangampanya ay napabayaan ko ang aking  pagpasok sa school nagexcuse naman ako sa klase pero nakaapekto pa rin ito sa aking marka, dahil sa pangangampanya ko ay natanggal ang aking pagigng mahiyain at natuwa naman ang aking mama. Laging gabi na kami ni kuya nauwi sa bahay ng araw ng kampanyahan, ako'y napupuyat at namayat dahil sa hindi na aklo nakain ng hapunan. Nang araw ng botohan, nagswimming kami pagkaboto namin at masaya naman ito. Nang hapon na, kami ay nag uwian na upang magpahinga. Nang bandang gabi na, ako ay kinabahan dahil sa resulta ng botohan naghintay ako ng text ng mga ka SK ko upang malaman ang resulta at nagtext nga sa akin, wala daw akong boto kahit isa, nanlambot ako nais ko na sanang matulog ngunit niyaya ako ng aking mama sa school ng Calihan na pinagbotohan, habang nakasakay kami sa tricycle ay kinausap ako ni mama at sabi sa akin na "matalo man o manalo ay ayos lang!" nang dumating kami sa school ay binati ako ng bawat kabataang nakakakilala sa akin, hindi ko alam kung bakit, hanggang sa nakita ko ang resulta at pang numero uno(1) ako sa SK konsehal. Kinonggrats ako ng aking mgakagrupo at lahat naman kami ay pinagkatiwalaan ng mga kabataan sa aming baranggay. Nang gabi ring iyon ay nagkainan kami at nagpaputok ng kwitis at nagpaalam na sa isa't  isa upang magpahinga, nang ako ay umuwi ay masaya ako dahil baka dito ay maipagmamalaki ako ng aking mga magulang at masaya naman sila para sa akin. Lumipas ang araw ay nagpasalamat kami sa mga kabataan ng aming baranggay sa kanilang pagtitiwalang ibinigay. Nagsimba kami sa Dolores upang magpasalamat at humingi ng pag gabay sa Diyos at umakyat din kami sa kamay ni Hesus.

Dumating ang araw na pumasok na ulit ako sa school at marami naman ang nakamiss sa akin at bumati, inasikaso ko naman ang aking mga kailangan gawin sa school, nahirapan ako dahil napagiwanan na ako sa klase. Naipasa ko naman lahat ng subjects kahit mababa ang mga marka. Lumipas ang araw at dumating ang christmas party, nag swimming kami sa boying kahit kami lang magbabarkada, nilagnat lang ako ng pagkakalublob ko sa tubig pero masaya pa rin, naguwian na kami ng bandang hapon, napagalitan ako sa amin dahil hindi ako nagpaalam na magsiswimming kami. Dumating ang araw ng pasko na masaya naman dahil kumpleto ang pamilya ko at nag uwian dito sa Pilipinas ang mga lola't lolo ko. Lumipas ang araw at nagkaroon kami ng problema dagok sa pamilya namin lahat ng miyembro ng aming pamilya ay naging malungkot hanggang sa dumating ang new year's eve na ganun pa rin ang aming pamilya, nag new year kami sa ospital dahil nagkasakit ang aking tiyahin, first time ng aming pamilya na mag new year na hindi magkakasama. Dumating ang araw na gumaling din siya at malaking pasasalamat namin iyon.

Dumating ang taong 2011 sa buhay ng aming pamilya na malungkot pero sisikapin namin sa buong taong ito na maging masaya. Dumating ang first day ng school sa taong 2011 at masaya naman dahil nakita ko ang aking barkada, kaibigan, kaklase at mga crush pati na rin ang mga subject's teacher ko. Ngayong taong ito ay natuto akong maging palakaibigan dahil sa mga karanasan ko sa aking pangangampanya. Nagkaroon ng swimming ang aking pamilya sa brgy. sa Pansol at naging masaya naman ito kahit nagkatampuhan kami ng aking ka SK, at nagkaayos din naman kami, kada Sabado't Linggo ay naduty kami sa brgy.hall at minsan ay doon na rin kami natutulog. Nang minsang magyaya ako sa aking mga ka Sk na kumain kami sa Mang Inasal at ako ang taya kasama ang aking mama at kuya. Naging masaya ako sa aking barkada ngayon, lagi akong inihit ng tawa pag sila ang aking kasama, sila ang aking buhay sa school pag wala sila wala rin ako, pati na rin ang aking mga kaibigan noon third year pa ako na pinapangarap ko na magkasama sama ulit. 

my barkada
me and rhodney
           


Dumating ang araw ng J.S prom at lahat naman kami ay masaya sa hanggang sa ito ay matapos. Ngayon ako ay nagsisikap na maipasa ang lahat ng subjects upang ako ay makagraduate ng high school para sa akin at sa aking pamilya lalo na sa aking inang pinakamamahal.

pizap ko

Monday, February 21, 2011

My Journey(Ang Talambuhay ni Alyza Marie C. Garay)


                                          My Journey(Ang Talambuhay ni Alyza Marie C. Garay)
its me!
      Isinilang si Alyza Marie Cervana Garay sa San Miguel bato Camarines Sur malayong probinsya sa kabicolanan . anak nina Flora at Thomas Garay panglima sa anim na magkakapatid. Isang taga bicol at tubong camarines ang kanyang ama kabilang sa malaking angkan ng mga garay.bunso ang ama ni alyza sa sampung anak nd magasawang hilario at antonia garay. Pagsasaka at pagbibinta ng asin ang kinabubuhay nila.
         
         Samantalang isang tubong laguna naman ang kanyang ina isang tagalog na nabibilang din sa isang malaking angkan.1985 ng magsama ang amat ina ko.mahirap man ang buhay pinili parin ng magasawang lumayo at mabuhay sa probinsya.1986 ng abril 27 ng isilang nila ang panganay na anak na pinangalanang acianette garay na isa ng guro ngayon. Naging apat ang naging anak ng magasawa nais na sanang itigil ng magasawa ang paglago pa ng kanilang pamilya sa kadahilanan ng hirap ng buhay.
     
           Hindi inasahan na mabuntis ang ina ni alyza dahil sa kagustohan,naisipan ng ina ni alyza na ipalaglag nalang bata sasinapupunan pero ang inaasahan na tinurok ng doctor na pampalaglag ehh isang bitamina upang maging malusog at masigla ang bata
       
  
             Isang simpleng bata si Alyza masigla at mahilig sa sport. Panglima sa anim na magkakapatid galing sa isang simpleng pamilya. Hindi mahirap hindi din mayaman.
    
alyza (ako yan!)
             Taong 1994 ng nagdisisyon ang pamilya ni alyza na manirahan sa laguna dahil sa kahirapan ng buhay sa bicol.
     
            Mahirap man nakipagsapalaran ang pamilya garay sa laguna nagtrabaho ang ama ni alyza sa isang bus station. Mahirap ang naging buhay na pamilya nila marami sakuna at pangyayaring bata pa naranasan ni alyza.
  
       
akom uliy yan!
            Ika tatlo ng Hunyo taon 2002 ang batang si alyza ay tumuntong sa unang antas ng kanyang pagaaral sa baitang ng isa. Dahil sa kagustuhan ng mga magulang na mapalapit ang pag-aaral ng anak. Pinili ng mag-asawa na manirahan sa Concepcion, San Pablo City Laguna. Sa panig ng kanyang ina, maliit pa lang si Alyza nakakakita na ito ng pagkahilig sa mga larong di angkop sa kanyang kasarian. Anim na taon pa lang si Alyza ng isilang ng kanyang ina ang ika-anim at bunso sa kanilang pamilya. Nagpatuloy sa pag-aaral si Alyza hanggang sa makatapos sya ng pag-aaral sa elementarya sa antas na ika-anim sa taon 2007 ng Marso. Mahilig ang batang si Alyza na sumali sa mga akademya sa kanilang paaralan. Sa pamamagitan ng pagtitinda ng ina, napagtapos nya ang anak na si Alyza sa antas ng elementary sa mababamg paaralan ng Brgy. Concepcion Elementary School sa San Pablo.
itz me again!
      
            Mabilis na nagdalaga si Alyza, maliit na babae at maganda. Labing isang taon si Alyza ng tmuntong sa antas ng sekondarya. Dahil sa pangalawa sa bunso si Alyza marami sa gusto niya ang nasusunod. Wala man hilig sa pag-aaral nagpatuloy pa rin sya sa kagustuhan ng ama.
         
            Isang maintenance ang naging trabaho ng kanyang ama sa bayan ng San Pablo. Mahirap man pero nagtyaga pa rin ang kanyang ama, mapag-aral lang si Alyza
         
            Maraming school ang maaring mapasukan ni Alyza, pero tanging Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ang napili nya (formerly known as Annex V) sa bayan ng San Pablo, malapit sa kapitolyo. Sa kadahilanang marami  sa kanyang kamagaral sa elementary ay doon din nagsipasukan ng sekondarya.
         
             Taong 2007 ng magumpisang mag-aral si Alyza sa antas ng sekondarya. Mahirap man makapasok nagsumikap ang mga magulang ni Alyza na makapas aral sya.
         
            Sa unang antas sa high school marami na agad nakilala si Alyza. Naging mahilig sya sa pag-aaral at nagsumikap sa kanyang pag-aaral. Maraming nagimg karanasan si Alyza, sumali sya sa contest sa kanilang paaralan na naging daan upang lalo nyang maenjoy ang pag-aaral. Sumali sya sa pagsasadula ng ibong adarna na nakamit nya ang ikalawang pagkapanalo.
         
           Mahirap ang naging buhay ni Alyza, maraming hirap at pagkakataon na gusto na nyang huminto sa pag-aaral. Pero dahil din sa pagsusumikap ng mga magulang, ipinagpatuloy nya ito. May mga pagkakataong iniisp nyang pagkatapos ng kanyang pag-aaral, hini na sya magtatapos ng kolehiyo sa halip ay matatrabaho na lamang sya.
           
             Mahiyaing dalaga si Alyza hindi din maiiwasan na may humanga at manligaw dito. Pero hindi nya pinagtuunan ito ng pansin, kundi ang kanyamng pag-aaral.
           
       
ako at ang aking kapatid
     Ngayong nasa ika-apat na taon na sya sa sekondarya sa wakas malapit na syang magtapos ng pag-aaral sa high school. Sa ngayon naghahanda na si Alyza para sa nalalapit nyang pagtatapos sa edad na labing-anim at handa na nyang harapin ang buhay sa kolehiyo. Ang pinakamalaking hamon sa buhay mag-aaral nya.

Ang Talambuhay ni Carlo Garcia

Shiela,Nanay,Ako,Tatay,Karlene

Ako po si Carlo Garcia, ipinanganak sa Panlalawigang Pagamutan ng Lunsod ng San Pablo City noong April 11, 1992 araw po ng lingo. Ako po ay lumaki sa Brgy. Bagong Bayan San Pablo City. Kasama kop o sa aming tahanan ang aking mga magulang na sina Carlos Garcia at Lorenda Garcia.


Carlo,Nanay,Tatay,and my 2 sis
bosz and madam
Gayundn po ang aking mga kapatid na sina Carline ( panganay ) at Shiela  Garcia ( panggitna ). Ako po ay nag iisang lalaking anak ng aking mga magulang. Ako po ay mapalad at sila ang aking naging pamilya. Naging kasama rin po naming ang aking lolo na si Juanito Garcia na pinagpahinga po ng Diyos noong 2008. Ang amin pong buong pamilya ay kaanib sa Iglesia ni Cristo. At dahil po kami ay Iglesia ni Cristo, ako po ay nag aral ng summer kinder garten sa kapilya. Natatandaan ko po noong ako ay kinder, lagi kaming naglalaro ng mga classmate ko at ng mabait kong guro na si Gng. Maybel Tuazon. Lagi akong sinasamahan ng ate Carline ko sa pagpasok dahil sya po ay kasalukuyan noong bakasyon. Natatandaan ko din po na habang kami ay nananalangin dapat kami ay nakapikit, pero may classmate po akong mulat at isinumbong ko sa aking teacher ngunit di ko po naisip na malalaman din ni yeacher na mulat ako dahil nakita ko. Nakakatuwa talaga ang buhay ng bata. Dahil sa simpleng bagay, lubos akong nagiging masay. Naalala ko din noong ako ang naging 1st honor n gaming klase at talagang tuwang tuwa ang aking mga magulang. Pagkatapos ng masayang karanasan sa aking kinder garten, nag aral naman ako ng elementary sa paaralang central. Ang aking guro noong ako ay grade 1 ay si Mrs. Aragones. Mahabang panahon din ang lumipas. Ako ay tumuntong sa grade 2 at naging teacher ko si Mrs. Navarro. Karamihan ng mga naging classmate ko ng grade 2 ay yung mga classmate ko din nung ako ay grade 1 kaya hindi na ako masyadong nahihiya dahil sila ay mga kakilala ko na. ako unang nagkaroon ng crush. Tyrin ang kanyang pangalan at talagang sya ay maganda pero hindi nagtagal yun. Bata pa naman kasi ako nun. Naging guro ko naman si Mrs. Alcantara noong ako ay nasa Grade 3. Medyo istrikta sya. Naaalala ko na lagi nya akong pinagagalitan dahil sa makulit at madaldal ako kaya lagi akong naiyak sa aming klase. Ngunit minsan, di ako nakapasok dahil ako ay nagkasakit. Dinalaw nya ako sa aming bahay. Napakabait nyang guro no? Pagkatapos ng school days, Nag summer vacation na. My isang pamilya nalumipat sa aming brgy. malapit sa aming tirahan. Nakilala ko si Sharren na akala ko noong una ay lalaki  dahil sa kanyang pananamit at buhok pero sinabi ng kuya nya akin na sya ay babae at simula sya ay aking naging kaibigan.  Sabay kaming pumapasok sa school at sabay din kaming umuuwi. At pagkatapos ay naglalaro kami ngunit kahit minsan ay hindi kami naglaro ng larong pangbabae. Nang matapos ang bakasyon ako ay pumasok ng grade 4. Naging teacher ko si Mrs. Excondo. Minsan ako ay nagrecess, nakain ako ng tinapay sa ilalim ng puno ay biglang may pumatak sa aking ulo na bunga ng puno at ito ay matigas kaya ako ay nagkaron ng bukol. At dahil bata pa ako , ako ay umiyak. Hanggang ngayon ay di ko pa din alam kung anong pangalan ng punong iyon. Grade 5 ako ng maging guro ko si Mrs. CastaƱeda. Kami ang una nyang tinuruan dahil bagong teacher sya sa aming paaralan. Sya ay mabait at ipinadama nya saamin ang kanyang concern sa aming klase. Ang hindi ko makakalimutan ay nangmapagalitan kami ng teacher sa katabi naming room dahil sa aming ingay. Ngunit sa halip na kami ay tumahimik, lalo kaming nag ingay kaya nagalit sya at kami ay pinarusahan. Hinubuan nya kaming 3 ng kaklase ko. Hiyang hiyatalaga ako . Nang magbakasyon, ako ay nagpatuli. Takot na takot ako . Nakita ko ko pa yung mga batang nagpapatuli ay nag iiyakan kaya lalo akong natakot. Pero nung tinulian ako, di naman pala masakit. Grade 6 ako ay naging teacher ko si Mrs. Magpantay. At ng dumating ang araw ng graduation, talagang ako ay nalungkot at naging masay din dahil ako ay nakagraduate na.  ngunit kailangan talaga na magkahiwa hiwalay kami ng aking mga naging kaibigan para sa kanya kanyang buhay na aming tatahakin.



me and my wife

menji,jeloy,bosz,madam
Sa Col. Lauro Dizon High ako nag high school. 3 years ako sa 1st year at 2 years sa 2nd year. Dito ko din nakilala si Marry Kristine Rio PeƱaloza na syang nagpabago ng pananaw ko sa buhay.Sya ang nag turo sa akin kung paano pahalagahan ang mga bagay na meron ako. Di nagtagal ay niligawan ko sya. Pagkalipas ng 2 buwan at ay sinagot nya ako pero pagkalipas din ng 7 buwan ay naghiway kami dahil parang nawalan kami ng oras para sa isa’t isa. Nagkaroon ako ng ibang girlfriend pero hindi tulad ng pagmamahal ko sa kanya ang naramdaman ko sa mga naging girlfriend ko. Kinausap ko sya at nakipagbalikan ako sa kanya. Ngunit dahil sa aming kapusukan, ngabunga an gaming pagmamahalan. Alam kong di pa ito ang tamang panahon dahil mga bata pa kami. Pareho kaming 17 years old lang. Ipinanganak an gaming anak na si Princess Akira. Tuwang tuwa kami ng Makita naming ang aming anak. Mahirap man sa amin ang aming sitwasyon wala na kaming magagawa dahil nandito na to, kya konting tiis n lng at tyaga malalampasan dn naming to. Ngayon ako ay 4th year high school at gagawin ko ang lahat para makagraduate at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mag ina.



Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay (Maricris E. de los Reyes)


Ako at ang aking Ninong
Ako si Maricris Eco de los reyes ipinanganak noong ika-4 ng Marso taong 1995 sa St.Francis General Hospital.Ang aking mga magulang ay sina Marilou Eco de los reyes at si Luvin Silva de los reyes at ako ay pangalawa sa tatlong magkakapatid at bininyagan ako sa St.Francis church noong Oct.4 ng taong ding iyon.

 Noong ako ay apat na taong gulang kami ay nagpunta ng bicol para dumalo sa isang binyagan at dahil don nakilala at nakita ang aking mga pinsan at ang aking lola sayang nga lang dahil hindi ko nakita ang isa ko pang tito at ang anak nito na nasa manila.
una akong pumasok noong ako ay 6 na taong gulang sa St. Francis Day Care Center at noong papasok na ako ay nag-iyak ako dahil ayaw kong pumasok kaya lagi akong hinahatid ng tita ko tuwing papasok at alam nyang mag iiyak lamang ako doon kaya hindi nya ako iniiwan hanggang hindi pa tapos ang klase at nung una natakot ako sa aking guro dahil ang akala ko ay mataray sya pero sa totoo lang napakabait nya sa akin.


Ako noong 4 na taong gulang
Noong ako ay grade I ang guro ko ay mataray at noon  naaalala ko na pinapaiwan nya lagi ako para magbasa hanggang hindi tama ang basa ko ay hindi ako pinapauwi pero naiintindihan ko naman dahil alam kong ginagawa nya yon para rin sa akin at nung Grade II at Grade III ay walang masyadong mahalagang pangyayari ang natandaan ko ang alam ko lang ay nagkaroon ako ng mga kaibigan na mapag kakatiwalaanat nung GradeV at Grade VI ako ay naging secretary ako ng klase at dahil don naranasan ko ang ginagawa ng isang guro gaya ng pagawa ng lesson plan,card,visual aid,form 137 dahil nagpapatulong sa akin ang akin guro kaya alam ko kung gaano kahirap ang trabaho nila.At noong araw ng graduation ay masaya ako pero malungkot din dahil magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko sa elementary.At natatandaan ko pa ay nagkaroon ako ng kaaway dahil itinago nya ang bag ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya pinapansin kahit nag kikita kami .atung isa kong best friend noong elementary ay nag asawa na kaagad kaya na lulungkot ako para sa kanya dahil hindi na sya naka pag high school pero masaya rin naman ako para sa kanya.
Elementary Graduation
Unang araw ko sa high school ay hindi naging masaya dahil alam kong bago pakikipagkaibigan na naman at bagong pakikisama pero meron naman akong kakilala at mga dating kaklase na naging kaibigan ko muli at meron din namang nakipagkilala gusto akong maging kaibigan.Noong malapit ko nang matapos ang 1st yr. ay namatay ang aking ama dalawang araw bago ang kaarawan ko kaya ayon ang pinakamalungkot kong karanasan kaya nung 2nd yr. ako ay parang napabayaan ko ang pag-aaral ko at umabot pa ito hanggang  3rd yr. yung  ugali kong pagiging late sa pang-umagang klase kaya muntik na akong bumagsak sa mga subject na iyon.At noong 3rd yr. din ako ay naranasan ko ang JS PROM (senior-junior prominade)at naging masaya ang una kong pagdalo sa nasabing event.


Maricris De los Reyes
Noong 4th yr. ako ay nsaranasan kong sumali sa mga activity sa mapeh tulad ng cheerdance at senior-olympics at noong 4th yr.din ako ay naranasan kong mag CAT na talagang napakahirap at  sumali din ako sa meeting ng red cross na marami naman  akong natutunan at ngayong 4th yr.napakahirap  nang mga aralin at dumami din ang subject.At noong last yr. ay namatay ang lola ko wala pang isang buwan na na mamatay ang lola ay namatay naman ang tito ko.At  noong Feb 11 ay muli akong dumalo sa  JS PROM at ngayong malapit na akong grumaduate ay lalong mas naging mahirap dahil mas maraming maga projects na ipinapasa kaya mas lalo ko pang sinisipagan upang makatungtong ng stage sa darating na graduation.