Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Jeanika Valerio

Ako at si Baje kapatid  ko nasa u.p.l.b kame nan gradution kasi yan ng tita ko nung college sya  sa  U.P.L.B





Ako at Ang pinsan kong si Kuya Darwin  nung bata pa kme 1 year old ako at 3 years old naman ang pinsan ko
Ako si Jeanika Garcia Valerio, o mas kilala bilang Gkay , Gkay sa marami Gkay sa mga mas nakakakilala sa akin.Ipinanganak ako noong Abril 12, 1993 ang aking ama ay si Roderick Funtanilla Valerio ang aking ina ay si Rowena Garcia Valerio panganak ako sa tatlong babaeng mag kakapatid. Unang apo din ako sa parte ng tatay ko. Marami akong karansan noong bata pa ako, may kalokohan, kaartihan, kalampahan, at kapilyahan. Tanda ko pa kinuwento sa akin ng mga tita at tito ko na nung bata daw ako ay napakataray ko daw,kapag daw inaasar ako ng mga tita at mga pinsan kong nakakatanda sa akin ay nagagalit daw talaga ako.


Sinasampal ko daw lahat ng mga nangaasar sa akin habang karga ako ng nag aalaga sa akin, siguro mga isa o dalwang taon lang daw ako noon si mame ang halos nag aalaga sa akin noong bata pa ako, si mame hindi sya ang biological mother ko,hipag sya ng nanay ko pero inaalagaan din ako ng nanay ko noon pero mas gusto talaga akong alagaan ng mame ko kasi namatayan sya ng anak na babae na halos kasin tanda ko lang.


Kaya siguro sa akin nya binibigay ang lahat ng pag mamahal nya para sa anak nyang iyon dahil nangulila sya.Noong bata pa ako napakalampa ko tanda ko noon kapag nag lalakad ako at papunta ng tindahan o sa labas ng aming bahay ay sinasabihan ako ng tiyo ko na dahan dahan daw ako at baka ako ay madapa pag kasabi ng tiyo ko ng ganun ay nadapa kagad ako.


Tapos dati mga tatlo hanggang apat na taon namamasada ang papa ko ng tricycle inihatid nya ang mga pinsan ko na elementarya pa noon kasama nya pa kami ng nakakabata kong kapatid na si Baje.pag katapos ihatid ni papa ang mga pinsan ko ay ipinasyal nya kami sa Sampaloc Lake ang saya naman doon mga isang oras kami bago umuwi pero ng pauwi na kami ay may nang yari na naman nalalaglag ako sa tricycle hay ayon napahiya ako kahit sa sarili ko ang lampa lampa ko kasi daig pa ako ng aking kapatid iyak na ako ng ikwento ko iyon sa mga pinsan ko.


Pero kahit na puro ako kalampahan noong bata ako ay masaya din aman ako kasi ang daming nag aalaga sa akin. Kasi ang nanay ko noon ay abala sa pag titinda sa palengke kaya kung sino sino ang nag aalaga sa akin si mame Liza ang hipag ng nanay ko,


Si mame Neneng ang kapatid ng nanay ko at madami pa halos yung iba ay hindi ko na kilala ngayon. Gandang ganda sila sakin nung bata pa ako kasi ang cute ko daw nung bata pa ako. Nung bata pa ako ang daming tao ang nag paramdam sa akin ng espesyal ako at mahal nila ako sa parte ng nanay ko halos lahat ng kapatid nya palagi akong karga at sa parte ng tatay ko ay ganoon din tanda ko pa nga sinda tita ay palagi akong ipinagluluto ng spaghetti,
kumakain ako noon hanggang sa makatulog daw ako sa pinggan ng spaghetti hehe natatawa ako kapag kinukwento nila sa akin iyon eh.
Hanggang sa mag limang taon ako ay pumasok ng Kinder ayon tuwang tuwa ako noong unang araw ko ng pag pasok sa eskwelahan ang dami ko ng kaibigan puro laro kami noon at halos hindi ko na dadama ang pag aaral kasi nga bata pa ako kaya puro laro ang inaatupag at pinag susulat na ang mga kaklase ko ay inaantok na ako para akong manok na tutungo tungo sa classroom namin hanggang sa malapit nang umawas ay magigising ako naandun na ang sundo ko.


Si mama ang nag hahatid at sundo sa akin pero ay kalimitan ay si mame Liza ate mame Neneng pero bago kami makagraduate ng kinder ay si mame Liza ang nag hatid sundo sa akin dahil si mama ay palaging nasa palengke at si mame Neneng ay nasa Italy na . Pero bago umalis si mame ay isinamahan nya muna ako sa dentista yun ang unang beses na mag papabunot ako ng ngipin kaya takot na takot ako,
pero nung binubunutan na ako ay wala akong naramdaman sakit maliban nalang sa turok ng anestisya, pag katapos non umuwi na kami ni mame.


Sa San Pablo Central School ako nag elementarya simula Grade1 hanggang Grade6, Grade1 ay paborito ako ng titser na si Mam Alvaran dahil family friend namin sya, palagi akong naiiwan kapag awasan na kasama ang pamangkin nyang si Janine Alvaran dahil palaging late dumadating ang sundo ko, halos kasabay na ako ng mga guro kapag umaalis o umuuwi at palagi di akong late dumadating sa eskwelahan, nag paflag ceremony na sila ay saka palang ako dadating, palagi din wala si mam Alvaran dahil sya ang namamahala sa mga programa sa eskwelahan kaya kung minsan ay wala kaming pasok o di naman ay pinapahabilin kami sa ibang guro.


Ako at ang kaklase kong si Karen ay kay Mam Capalad, napaka taray at sobrang istrikta kaaya minsan na isipan namin ni Karen na hindi pumasok at nilibot namin ang buong iskwelahan, pero sa kasamaan palad ay nahuli kami ni Mam Alvaran ayun napagalitan kami at isinumbong ako sa magulang ko pag uwi ng bahay ay napag palo ako.
Graduation namen nug kinder ako yan at si bunay classmate ko yan noon
Grade1 hanggang Grade3 ay tahimik at medyo mabait ako pero nung Grade4 ay lumabas na ang kagaslawan , kabargasan, at katarayan ko naalala ko pa nung Grade4 ako nag susulat kami ng Lecture sa Science wala ang aming guro na si Mam Escondo kagulo kami nagdadaldalan ang iba ay paikot ikot sa silid aralan ako ay nagsusulat sa unahan tahimik ako dumaan ang kaklase ko na dali ang aking kamay pumanget tuloy ang sulat ko pinuntahan ko sya at sinugod at tinulak ko sya sa may pisara tumama ang noo nya sa gilid ng aming pisara tuloy pumutok ang kanyang noo at dumugo.


Tumahimik ang buong klase at nagulat sa aking ginawa dumating ang aming guro at kinausap na ako kailangan daw nyang makausap ang magulang ko, ngunit hindi ko pinapunta kayat ang nanay ni Jane Anne ang pumunta kinausap ako at pinag sabihan kayat hindi nalang ako umimik mula noong naging bargas na ako noon sa iskul.


Pero pag dating sa bahay ay tahimik ako hidi ako nakikipag laro sa labas nasa kwarto lang ako naglalaro sa mga manika at nag iisa minsan nag papagawa ako ng damit ng mga manika ko sa pinsan ko na si Ate Danline, pero habang ginagawa nya ako ay may kapilyahan nanaman akong nagawa habang nananahi si ate ng damit ng manika ko sa makina ay nasa harap nya ako itinigil nya ang pag gagawa dahil na tanggal ang sinulid habang inilalagay ay inapakan koang ibaba ng makina ayun lagpasan sa daliri ni ate ang matalas na karayom ng makina kabado ako at natatakot nang tanggalin ni ate ang daliri nya sa may makina ay dumudugo ito putla na si ate sa sakit buti nalang at hindi masaydong malma ang kanyang sugat hinsi sya nagalit sa akin at tinapos ang damit ng manika ko ng manyari iyon lumalayo ako kapag nagpapagawa ng damit ng manika ko.


Grade5 nagkaroon ako ng bagong kaibigan si Reggielyn at Gerica mag kapatid sila tuwing hapon ay nag chachineese garter kami pero lagi akong buro kasi hindi ko kaya ang mga ginagawa nila hanggang Grade6 ay kaklase ko sila barkada kami si Reggilyn, Jerica, Rouse, Jenalyn at ako ang dami naming ginagawang kamalditahan mula sa pag susulat sa Grandstand ng pangalan hanggang sa pag liban sa bakod ng iskwelahan, Palagi kaming nasa bahay nina Jerica at Reggilyn tuwing tanghali tapos pupunta kami ng Dizon High na dati ay Annex5 pa bibili kami ng kung ano ano at pagkatapos ay late ng papasok,


Pag awas naman ay pumupunta ulit kami ng Annex5 maghahanap ng kaaway minsan nga mga High School pa ang kaaway namin pero may matalik talaga kaming kaaway kaya napunta kami sa Annex5 yung Grade4 na schoolmate namin(limut ko na ang pangalan nun ih.)nadon kasi sya tuwing hapon dahil nandoon ang service nya, hapon iyon nasa taas kami ng Grandstand at sya ay nasa ibaba may hawak na palamig si Rousen at tinapon sa ulo nung kaaway namin ayun pinuntahan kami nung driver nung service nila tatakbo na kami papuntang Central umakyat pan nga kami sa bakod kahit naka palda at puro babae


ako yan nung high school na ako
ako at ang bunsong kapatid kong si joan
, ayun at marami pang iba kaming ginawang kalokohan nung elemntarya oops teka di pa yan tapos ito pa ang iba hapon iyon wala ang guro namin nakikipag daldalan sya sa ibang guro.Kaya kagulo na naman ang Lahat ng mga kaklase ko pero tahimik lang ako sa isang sulok ng mapansin kong ang mga kaklase kong mga nasa labas naglalaro sila ng bola ng tennis (nakuha nila ito sa tennis court sa likod ng room ng mga Grade6 at sa loob ng paaralan ng Annex5)ang saya saya nila kaya sumali ako pinapaltok namin ng bola ng tennis hanggang sa ako na ako titira tuwang tuwa pa din ako hanggang sa tumama iyon sa bintana ng aming classroom basag ang bintana kabado ako dahil may nakakitang isang guro pero dalidaling sinimot ng mga kaklase kong lalaki ang mga bubog at nilagay sa isang styro poam nag isip sila kung ano dapat ang palusot kay Mam naisip nila na ang sabihin na laman ay ibang section ang nag lalaro sa labas at natamaan ang bintana pero hindi na ako nakisali sa usapan nila at umubob nalang ako sa upuan,


Dumating si Mam ng walang kaalamalam ngunit na pansin nya ang hawak na styro poam ni Tyron tinanong nya iyon kung ano iyon sabi naman ni Tyron ay spaghetti iyon pero may isang kaklase kaming nanag sumbong na bubog iyon ng aming bintana tinanong ni mam kung sino ang nakabasag ngunit walang umimik hanggang sa humagulgol na ako sa pag iyak at nilapitan ako ni mam kailangan ko daw palitan iyon.


Pero hindi ko din naman napalitan iyon hanggang sa naka graduate ako.Ilang buwan nalaman bago kami makatapos sa ikaanm na baytang ay may nakakakilg naman akong karanasan,kaawas lang namin at sa H.E ang mga babae at sa SHOP ang mga lalake, pag dating ko sa room ay kaunti palamang kame wala si mam.Sina Levi, Topper, Jenalyn, Rousen , at ako at ang crush ko na si Banjo, naupo lamang ako sa aking upuan, hinila nya ako at niyakap ang tagal noon kumakabog ng mabilis angdibdib ko dahil nag sigawan ang mga kaklase ko.kayat ng bitawan nya ako ay umupo nalang ako sa isang tabi at nanahimik,Graduation namin ng elementary wala ang tatay ko nanay ko lang at kapatid ko pero ayos lang yun masaya naman kahit nag iiyakan ang mga kaklase ko, ayun ang huling araw na nakita ko ang ibang kaklase ko.
 
High School na ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako pinapasok ng nanay ko 1f ako noon si Mam Brinas guro sa Math1 ang aking adviser maayos naman ang grade ko noon kahit may konting pagbubulakbol first year hanggang third year ay ganoon ako kaya pinatigil muna ako ng tatay ko tapos noong kasunod na taon ay tinaransfer ako sa Los Banos pero two months palang ay tumigil na ulit ako kasi bored ako doon kaya bumalik ulit ako ng dizon hindi ulit ako nag tino pero nakapag fourth year ako
Ngayon ay nasa ikaapat na baytang na ako ng sekondarya may pagkaresponsable na din at nag sisipag sa pag aaral.


Ngayon ay patapos na ang taon siguro tapos
nadin ang barkadahan namin pero sana hindi pa din mag bago
 ang pagkakaibigan namin at sana makapag tapos kaming lahat.


abay ako nan sa tita ko sa los banos yan

No comments:

Post a Comment